More Audition Encounters of the Starstruck Kind

Dahil bumagyo man at bumaha patuloy pa ang pagpunta ng mga utaw sa auditions, patuloy rin ang mga gagah-exchanges...

******
ME: Bakit gusto mong mag-artista?
DUGYOT BOY: Gusto ko po kasing makatulong sa parents ko...
ME: Naku ayan na naman! Pwede na namang maglaba, nakatulong ka na sa parents mo niyan... o kaya maglimas ka ng putik...
DUGYOT BOY: Tapos na po, kaninang umaga bago ako pumunta rito...
ME: Oh... kaya pala batak na batak ang arms mo. Kanta ka na...
(Hindi naman solo ng mga auditioners ang kagagahan noh, meron din ako)

******
Isa sa bossing namin naka-experience rin ng bonggang exchange
BOSSING: Tell me something interesting about yourself...
BEAUCONERA: Chuchuchuchu.. saka mahilig po akong sumali sa mga beauty contest.
BOSSING: Talaga? Ano ang last na sinalihan mo?
BEAUCONERA: Yung Miss Eklavu po sa may school ko po...
BOSSING: OK... so ikaw ang titleholder doon?
BEACONERA: Hindi po... ako po yung champion.

Tulala si bossing. Obviously beauty contest ang sinalihan niya at hindi beauty and brains contest.

 ******

At from the same regio rin eto pa...

BEAUCONERO: ... sumasali rin po ako nung mga personality contests like yung Mr and Ms Chenes last year.
BOSSING: So ikaw ba ang title-__ umm  ikaw ang nagchampion?
BEAUCONERO: Hindi po pero marami akong napanalunang awards dun.
BOSSING: Really? Tulad ng anong award?
BEAUCONERO: Trip to Cebu po...

Sumakit ang ulo ni Bossing.

*****

Enter frame si Mongol Boy na may pagkalaki-laking noo...
ME: Hmmm... Mongol Boy, kung meron parte ng katawan mo na magpeprevent sa iyong makasali sa starstruck, ano yun?
Hagikgikan ang mga pohtah sa likod ko
MONGOL BOY: Eto po...

Ipinakita niya ang kanan'g kamay niya. Akala ko dinedirty finger ako... kaso, yun nga, wala palang fingers ang right hand niya!. Congenital defect. Kamusta naman ang sobrang wrong career move ko dun di ba?!

ME: (nagtatry na bumawi) Well at least... um... so kaliwete ka pala...
MONGOL BOY: Actually po ano...

Show niya ang left hand, putot rin ang mga daliri! Pakshet, matyempuhan ko naman talaga di ba? Nangmamaldita kasi ako eh haiz. Pinakanta ko na lang sya at shut up na lang ako nang bonggang-bongga. May kinatatakutan pa rin pala akong karmi.

******

ME: Tell me something about yourself...
PABIBO GIRL: I can dance po saka act... hindi po masyado sa singing.
ME: So ano ang gagawin mo for us today?
PABIBO GIRL: Singing po.

Apparently ayaw niyang talagang makasali di ba?

HOHUM GURL: First time ko po mag-audition.
ME:22 ka na ah. Bakit di ka nag-audition last time like two years ago.
HOHUM GURL: Dapat nga po sana noon pero yung schedule po po kasi noon, nagkaroon ng complication.
ME: Nagkasakit ng bongga ang sked mo? Buti nakasurvive...

*****

ME: Nag-audition ka na ba sa ibang reality show o talent search?
CHAKI GURL: Opo sa (show sa kabilang network). Pero hindi ako nakuha...
ME: Sa palagay mo bakit hindi ka nila kinuha noon?
CHAKI GURL: Ewan ko po. Baka kasi naghahanap sila ng maganda.
ME: Sa tingin mo ba kami naghahanap ng pangit?!







My Flashflood Experience

Wala.

... kasi wala ako sa Manila.


Iloilo-Struck

Nag-early check in ako dito sa Iloilo Airport... at superdelayed ang flight. Meaning trapped ako dito longer than i should have been at the end of a two-day solo flight dito sa Iloilo. Tipid-tipiran measures kasi. So instead of flying in a whole retinue of staff from Manila, they decided to use the regional teams na lang at kaming mga writers na lang ang magfly to the different regions...one writer per region.

Pero keri lang dahil happiness naman ang stay ko ditey. Nagbonding kami ng local staff and crew. super alaga nila ako. At kakapalan ng mukha ko, kakadating ko pa lang chinika ko na ang bossing na bet kong magdinner ng talaba. Eh adik rin pala sa talaba. So they brought me to the most fabulous unknown talabahan na outside Iloilo City pa. At ako pa lang raw ang nadala nilang nonlocal dun. Touched akesh.

Buti na rin lang sa Iloilo ako nadestino dahil may affinity ako with Ilonggos. Lurv ko sila. Ewan ko ba pero basta pag nalaman kong ilonggo, +10 kaagad sa akin. So you can imagine ang feeling ko na nagpa-parade in review sa harap ko ang  mga cutie hopefuls from here. Ahihihih. kilig ang pohtah.

Niloloko na nga ako pag presentation eh. Andami ko raw pinepresent na rikkistruck applicants ... yung mga lulurking lost sa panlasa for the show pero win na win sa aking paningin. Wehehehe. Anu ang itsu ng mga  rikkistruck? Basta. Hihihi.

I found Prince Stefan among last year's hopefuls. Im hoping to find a prince this year as well pero totoo, to find a prince, you have to kiss a lot of frogs. Mga ambisyosang palaka. Charos. For every applicant na deserving o PK as in pwedepwede na, jos me, kailangang dumaan muna ako sa tatlumpung ngets as in tatanungin mo talaga kung may salamin sa bahay nila....

...at yan eh considering na +10 na sa akin ang mga ilonggos ha. Ganung level talaga.

...may major veklush na nagaudition. May bitbit na dalawang de dos na pako. To the tune ng Calle Ocho, tumuwad-tuwad siya onstage at ipinasok ang nga pako sa nsoe niya!!!

...may boylet na may blue-eyes. Kinamusta ko ang contact lens syempre. It turned out trulili ang blue eyes mother, wah ek!!! Medical wonder or recessive genes or something. Kaso di bagay ang blue eyes sa itsurang indio. So wa siya pasado.

... and of course di rin mawawala ang bonggang exchanges between me and some of the applicants like the ones i've posted before. Enjoy.

******
ME: Can you dance dance for me?
HUNKY HIPON: ehhh gamay lang po pwede?
ME: Ok go!

?
?
?
Nalingat lang ako, pagbaling ko sa stage, wala na ang hipon. bumaba na ng stage at umalis. Nag-Go! nga siya!!! Utak hipon rin yata.

*****
ME: Tell me something about yourself.
GAGA GURL: (parang wala lang) Panlima po ako sa magkakapatid pero panganay rin po ako kasi tatlo asawa ng tatay. Naiinis nga po ako eh. Hihihihi
ME: Ibroadcast mo talaga?

******
ME: Ba't sumali ka sa starstruck?
MIMAY GURL: Para makatulong po sa pamilya ko.
ME: Ows... kung gusto mo talaga tumulong bakit di ka magtrabaho sa callcenter, magwaitress... pumasok kang katulong. Ano ba ginagawa mo ngayon?
MIMAY: Katulong po...
ME: (blush) Ummm, ano uli... kakanta ka di ba? Kanta na gurl...

******
(isa pang superveklush nas in longhair effem audition. Dance number to death with matching kick at flying split. Lumilis ang blouse at nasight... nakabukas ang zipper ng 2 sizes too small na skinny jean ni veklush. Pero keber is veklush, total performer!!! Pagkatapos ng number na...)
ME: Gurl si junjun mo nag-world premiere...

******
BOYOYOY: (singing careless whisper): i will never dance agen, filthy feet has got no rhythm...
ME: Madumi talaga yung paa?  Dong di lang Careless Whispers ha, careless lyrics ka rin.
******

GURLINA: (drama-acting) Ano doc, patay na si inay?!!! Inay!!! Inay!!!
ME: Stop!!! Ayoko niyan... ayoko ng pinapatay si inay.
GURLINA: Sige po... ibahin ko...
ME: Ok...
GURLINA: Ano doc, may cancer si inay?!!! Inay!!! Inay!!!

Balak yatang patayin talaga si inay. Dapat yata maglagay na sign: WARNING: TO ALL MOTHERS, THIS AUDITION CAN BE HAZARDOUS TO YOUR HEALTH

*****
BABY VEKLUSH:... naniniwala po ako sa kasabihan na kapag tuta ang inalagaan, in the future meron kang pulutan.

(Ginawang talent portion ni baby veklush ang opening spiel niya sa beaucon)

ME: Bakit ka sumali dito sa Starstruck?
BOYLET-NGETS: Para ipakita sa mga nangmamaliit sa akin na may talent rin ako!
ME: Sino ba nagsabing wala kang talent?
BOYLET-NGETS: Nanay ko po...
ME: Hmmmmm... (to PA) pahingi ng yosi...
*******
ME: Bakit ka sumali dito sa Starstruck?
CHAKAGURL: Para ipakita sa umaalipusta sa akin na may ipagmamalaki rin ako.
ME: Sige. Can you sing for us?
CHAKAGURL: Opo.
(Kumanta si gurl... chaka rin. Nakalimutan na lyrics sumasabit pa)
ME: Hmm... ngayon, sa palagay mo... dapat ka bang alipustain?
CHAKAGURL: Slight po.

******
PS: Tuluyan akong hindi ako nakasakay  kasi nasuper-delay ang flight ko so nagparebook ako to another day... kaya eto waiting galore uli sa airport for another maghapon... digital na ang karmi talaga hehehe

Kinse Sine

Na-tag ako sa facebook to write about 15 movies influential in my life so since pag-eefortan ko na rin namang sulatin, i-blog ko na kerek?

 I really do't know kung influential nga sila sa buhay ko at sa king pananaw today pero since sila yung mga lumutang na titles, malamang naman de ba?

http://weop.net/waub04/ub2005/dinner/grease.jpg
1. Grease
I remember opening day namin ito pinanood. Idineclare ng PAGASA na walang pasok kasi may bagyo  raw signal number 3  kaso umaga, tirik na tirik ang araw. So lumuwas kami buong family from Malabon to Avenida.  Wala pang LRT, wala pang malls at Good Earth Emporium pa yung Uniwide Sales Building na ngayon. Super enjoy ang movie. Paglabas namin ng sinehan, delubyo na. Rain to death with matching baha. Tama ang PAGASA for a change. Afternoon shift lang pala ang dating ng bagyo. Lech.

http://karabess.files.wordpress.com/2009/06/66f220b6-d855-4597-ba09-a8d6af65574f.jpg2. Flashdance

How beki can i get di ba? 15 years old ako, 4th year highschool at syempre walang true-blue'ng lulurki sa school ang aaming bet nilang panoorin this movie about dancing. The day before the NCEE exam (naalala niyo 'to?) pinayagan kaming mag-half-day to rest or prepare. Ako, lumuwas nang mag-isa sa Recto ang mega-watch. Hay whatta feeling!!! The next day i ace the exam 99+ lang naman ranked number 2 sa school. Naks.

http://3.bp.blogspot.com/_nxUb2kYKSvI/R-FBTJxH66I/AAAAAAAAE54/H04BpvjJN3M/s400/Aguila-+80.jpg
3. Aguila

This is one of the earliest movies na i remember because of it's content. Epic saga siya and sad that they don't make movies like these anymore. Recently napanood ko siya uli sa CinemaOne and it held up well thru the years. The dialogues were crisp and truthfully delivered without the histrionics. Bungga talaga.

http://www.boston.com/ae/theater_arts/exhibitionist/143880~Brigadoon-Posters.jpg4. Brigadoon

Syempre sa TV ko ito napanood and stars Gene Kelly and Cyd Charise yata. Ang ganda ng dance sequences but what stuck to me was the premise... a  town that reappears for one day every hundred year because of a curse that was broken by true love... and great dancing around the fog.

http://upload.wikimedia.org/wikipedia/tl/thumb/6/69/Kakabakaba_Ka_Ba_1980.jpg/250px-Kakabakaba_Ka_Ba_1980.jpg
5. Kakaba-kaba ka ba?

Another gem from the 70's n'ung malapad pa ang nose ni Boyet de Leon. A comedy na social commentary. Remember yung "Bigyan Niyo Kami Ng Tinapay" number by the nuns? Fabulous. I also saw it recently sa TV and was amazed sa wit ng movie and the genius of Jay Ilagan sa comedic timing.

[Dyesebel+at+ang+Mahiwagang+Kabibe+(17+June+1973)a.jpg]
6. Dyesebel

With Ate Vi of course. Ang tanging Dyesebel na di marunong lumangoy.With leading man Romy Mallari i think. Unconscious major beki moment pala ito for me. Sirena, hello! Pero ang di ko malimutan was the giant sea horse na sinakyan ni Dyesebel. Naniwala tuloy akong lumalaki nang ganun ang mga seahorse.

http://www.boulevardmovies.com/images/P/7th-voyage-sinbad-50-br.jpg
7. Sinbad

In Technicolor!!!! Mega bagets pa ako nito at ilang beses ko siyang napanood by accompanying my uncle na nangunguha ng kaningbaboy sa likod ng  second run na sine. Pagpasok sa loob, di na ako sumasabay palabas.

Hello i was to young pa para mapansin kung may eksenahang cruising nagaganap sa sine okey?!!! Focus ako sa special effects ng mga dragons at yung mga nageespadahang kalansay.  Kalorki.

http://www.emovieposter.com/images/books/vhp8_wb_550/vhp8_417.jpg
8. ET

Steven Spielberg rocks! Even now the scene when they raced and floated over the squadcars and flew across the face of the moon. Goosebump moment. Iba talaga magpa-arte ng jogets si lolo Steven no?

http://sylviagarza.files.wordpress.com/2008/07/the_color_purple1.jpg
9. The Color Purple

Heyvi!  Another fave from Tito Steven. The visuals sa impeccable at 'day the scene nung pilit pinaghihiwalay si Celie at yung kapatid niya. Gut-wrenching. Crayola aku. And for the rest of the movie, two words... Whoopi Goldberg. Amazing.

http://img.listal.com/image/63528/200full-bagets-1984.jpg
10. Bagets

The movie that defined my generation, circa 1984. I even did the candy-colored layering fashion. Cringe-galore de ba... well except for the pekpek shorts ni JC Bonnin. That i wont mind mauso uli... paksyet kasi yang Alvin Patrimonio, pinauso ang puruntong shorts.

http://2.bp.blogspot.com/_nxUb2kYKSvI/ScWuCtBAR1I/AAAAAAAAQnk/rDasFimfQQE/s400/Working+Girls-84-Ishmael+Bernal-sf.jpg
11. Working Girls 1

One lang ha, kasi chaka yung part 2. Anong beki moment for me surely pero this is a pinoy classic for me. Anufafli-anupaflu... sabeeeel this must be laaaab!

http://1.bp.blogspot.com/_nxUb2kYKSvI/SltIkEoH7QI/AAAAAAAASnc/GyGJYNXhwgM/s400/May+Lamok+sa+Loob+ng+Kulambo-84-EddieGarcia-sf.jpg
12. Danny Zialcita comedies

Achullee wala akong napanood na Danny Zialzita movie sa sine. Sa TV ko na lang naabutan but what i saw i liked. Yung rapidfire delivery ng dialogue at zingy punch lines.Huwaw! Bow to the master na sinusulat raw ang script for the day sa tissue paper.

http://thisdistractedglobe.com/wp-content/uploads/2007/01/Xanadu.jpg
13. Xanadu

Did you say BEKIHHH?! Nameyn pero wa pa sa kamalayan ko yun. Basta alam ko may music, may dancing, may special effect. Olivia Newton John. May animation pala. Nagpunta pa ako sa record bar to look for one of the songs in the soundtrack, Armalite by the Electric Light Orchestra. Hindi makita. Kasi "I'm Alive" pala yung title. Now that you're near, now that you're here... in Xa....na...duuuuu... Xanaduuuu....uuuuuuu.....uuuuuu!

http://1.bp.blogspot.com/_nxUb2kYKSvI/Si-z-Ti2niI/AAAAAAAASFk/FM0Mdg3w7YY/s400/Bilibid+Boys-81-Ishmael+Bernal2-sf.jpg
14. Early Regal Films

Blue Jeans, Bilibid Boys etc. Achulleee wala rin akong napanood nito sa sine, pero kita ko ang promo slant sa dyaryo. Mga pelikulang yung lalaking bida ang hinuhubaran. Fab! Hindi lang yata ito naka-impluwensya sa akin... it actually shaped me! Charos. Haay Alfie Anido.

http://www.casafree.com/modules/xcgal/albums/userpics/20413/yentl.jpg
15. Yentl

Medyo niresist kong i-include sa list ang movie na ito dahil nailista na ni Mama mari but... anuba, it's a Barang movie... with songs like Papa Can You Hear Me. How could it fail to influence me? Saka luv ko yung hair ni Amy Irving. But what struck me was the homoerotic content. Remember natypan na nung bidang lalaki si Yentl before niya pa knows na bilatchina itu. Hmmm kung nagkataon M2M movie de ba.


We Are Not Amused

Sabeh?!!!!

Super tumbling talaga ako nung mabasa kong kajoin si Carlo J Caparas as National Artist 2009 for Visual Arts and Film. Talaga lang?!!!

 As in sinilip ko kung playtime lang ba ito... kung April Fools' Day ba... padating na ba ang Four Horsemen of the Apocalyse...

Pero hindi. Real pa rin ang life.  Sumisikat pa rin naman ang araw. Bigla pa ring umuulan. Nagtatraffic pa rin sa EDSA. May career pa rin si Dona Dionisia. May balak pa rin si Gloria i-extend ang presidency niya. Ay! Surreal pala, hindi real. Charos.

Anyways, so National Artist na nga si Carlo J Caparas? For Visual Arts and Film pa ha. Si Mars Ravelo who gave us Darna and Dyesebel hindi pa nagagawang National Artist pero si Carlo J pasok na?! Kamusta naman di ba?

Pero sige na. Ayokong namang maging intellectual snob. At in fairness naman, institusyon na rin naman ang lolo niyo sa komiks.  Pero National Artist for FILM?!!!! Anubanaman?!!!

Naman?!!!!!

NAMAN?!!!!

This is the mind that brought us the "massacre film" trend kunsaan ilang beses nating napanood si Kris Aquino na dinideds in so many ways... hmm which is not such a bad thing din naman pala in hindsight no. Parang fantasy fulfillment para sa masa. Hmm... sige na nga payag na ako. Charos!